Linya-Linya founder and writer Ali Sangalang host this comedy-na-may-kabuluhan show based on the daily experiences of Filipinos. Imagine being with your own Pinoy barkada, with endless kwentuhan, kulitan, and hiritan-- plus loads of laughs, tons of puns, and nuggets of wisdom. Yeah! This is the Philippines. Join the fun-- like our Facebook page, fb.com/thelinyalinyashow; follow us on Instagram @thelinyalinyashow; or tweet us @linyalinya with the hashtag #TheLinyaLinyaShow
Isang karangalan na makasama natin sa The Linya-Linya Showâ former Human Rights Chair, former Justice Secretary, former Senator, and now ML Partylist first nomineeâ Leila de Lima. BOOM!
Sa episode na ito, nakausap natin si Maâam Leila tungkol sa simulain nya at naging biyahe sa mundo ng public service. Dinaanan din namin ang naging mga pagsubok sa panggigipit sa kanya ng nakaraang administrasyon, ang naging buhay niya sa piitan, at kung ano ang bitbit nya mula sa mga karanasang ito. Mula sa kung paano siya nakahanap ng pag-asa kasama ang mga pusa, hanggang sa umaatikabong QuadComm hearings na nagpasikip sa kaniyang puso at nagpainit sa ulo ng maraming Pilipinoâ ramdam sa usapang ito ang tapang at paninindigan ni Maâam Leila, at kung paanong sa huliât huli, isa syang simpleng taong lumalaban para sa katarungan at ikakabuti ng marami.
Sana mabigyan natin ng justice ang episode na ito! Listen up, yo!
Lumaki sa araw si Hya Bendaña bilang isang barker ng jeepney.
Sa kabila ng kahirapan, buong determinasyon siyang pinag-aral at napagtapos ni Tatay Renato na isang jeepney driver.
Noong 2019, ginulat niya tayo sa kaniyang valedictorian speech sa Ateneo kung saan highlight ang mga ordinaryong taong walang mukha, walang pangalan.
Sa episode na ito, daraanan natin ang stops sa biyahe ng buhay ni Hya, at kung ano ang relevance ng araw sa kaniyang buhay ngayonâsa paggamit ng renewable energy, partikular na ang solar power.
Magigising ka at mae-energize sa kwentuhan sa episode na ito! Listen up, yo! POWER!
Yo, Fellow 22s! Letâs wrap up 2024!
Lumalamig na ang panahon pero punong-puno naman ng warmth ang year-end episode natin!
Sa episode na âto, samaâsama nating balikan ang mga nangyari this year mula sa mga unforgettable momentsâmga good news at not-so-good news, at magpasalamat na rin tayo sa lahat ng accomplishments at blessings ng taon na âto.
Sama-sama rin tayong mag-reflect sa mga learnings at experiences natin this year para maging better version of ourselves natin in the future!
Makinig at matuto! Listen up, yo!
Yo, Fellow 22s! Makinig, maka-relate, at matuto sa bagong episode ng Turo-Turo kasama ang ating award-winning educators Sabrina Ongkiko at Jaton Zulueta.
Sa episode na âto, napag-usapan natin ang pagiging matatag sa ibaât ibang hirap ng buhay-- mula buhay-eskwela, love life, hanggang sa pagpapalaki ng anak! Ibinahagi ni Teach Sabs kung paano mag-bounce forward mula sa heartbreaks at past relationships. Habang si Teach Jaton, nagbahagi naman ng kaniyang experiences bilang magulang. Si Ali, well-- nakinig. Haha!
Sama-sama tayong maging matatag! Listen up, yo!
Panibagong episode ng BARA-BARA, ang special LL x FlipTop Battle League seriesâ at ang kasama natin, isa sa pinaka-malupit na battle emceeâ freestyle man o writtenâ ang Champion ng Process of Illummination 4, Champion ng Dos Por Dos Tournament noong 2017, at ang 2020 Isabuhay Champion, ang natatanging battle rapper na nakagawa nito; siya rin ang founder at president ng Motus Battle Leagueâ tubong-Pasig na ngayon ay taga-Cavite, M Zhayt! BOOM!
Dalawa't kalahating oras ng kwentuhan at deep dive sa kanyang karasanan sa hip hop-- sa pagiging baguhang battle rapper sa Barangay at Customer Service Representative sa isang BPO Company, sa mga hugot sa payak na pinanggalingan na nagsisilbing gasolina nyang makipaglaban at magtagumpay sa battle at sa buhay, sa pangungulit kay Anygma na sinasagot lang sya ng "Pucha," sa kwento sa likod ng alter ego nyang si "Eveready," sa simulain, mga pagsubok, at naaabot ng Motus Battle League, at sa mga pangunahin nyang katangian na nagdadala sa kanya sa mga panalo sa entablado at tagumpay sa buhay.
TIME!!! Pakinggang ang buong episode sa Spotify, o panoorin sa YouTube ng Linya-Linya. Listen up, yo!
Yo, yo, yo, kasama na naman natin ang favorite guests niyo, mga Fellow 22s! Walang iba kundi si Engr. / Daddy Rene Sangalang, para sa isa na namang episode ng Daddy Diaries!
Kung bago ka pa lang sa pagmamaneho, aba, para sa iyo ang episode na ito! Dahil dito, binigyan tayo ni daddy ng valuable tips kung paano mapapanatiling ligtas ang ating pagmamaneho. Sabay-sabay natin sabihin, THANKS DADDY RENE!
Masarap pakinggan ang episode na âto habang nabiyahe. Listen up, yo!
Ngayong Halloween 2024, sabay sa kagat ng dilim: Ang kahindik-hindik at kakila-kilabot na kolaborasyon ng Linya-Linya at Creepsilog!
At nakasama na nga natin, ang mga may pakana sa podcast na nagpagising sa listeners hanggang madaling araw with their convos on true crime, paranormal events, at kung anu-ano pang kababalaghan mixed with light Pinoy humorâ sina Gideon Mendoza at Glenn Tabajeros ng CREEPSILOG!
Ang mas nakakatindig-balahibo pa: May Linya-Linya x Creepsilog limited edition collab shirt na! Kaya sa Creepers dyan, dalaw na sa www.linyalinya.ph đ»
Listen up at sabay-sabay tayong ma-spook out sa special ep na âto! Mat Part 2 din sa Creepsilog podcast, abangan!
Matagal nang pinaghahahanap, at sa wakas natagpuan na natin sya⊠si Atty. Harry Porky, nasa Linya-Linya Show lang pala!
HAHAHAHEHEHE! Sa isang pagdinig, binuwisita nga tayo ni Mark Colantaâ ang makulit na komedyante sa likod ng impersonation na ito.
Ano nga ba ang kwento sa likod ng paggaya nyang ito? Ano ang halaga ng impersonation at humor sa seryosong social issues? Paano nga ba tumawa katulad ni Atty. Harry?
Matatawa ka na maiinis na matututo sa one-of-a-kind episode na ito. At disclaimer lang: Walang nag-topless dito! Sorry!
Listen up, yo!
Hello, Fellow 22's and Octobears! Sa episode na 'to, kasama natin ang isa sa mga pinakamatunog na banda sa OPM scene ngayon-- walang iba kundi ang Over October!
Over sa kuwentuhan at kulitan ang episode, na nagpaikot-ikot na rin sa iba't ibang topics. Nalaman natin ang origins ng banda, at ang overarching journey nila sa loob ng sampung taon! Narinig natin ang experience nila sa nagdaang solo concert, ang creative process, at ang palagay nila sa OPM ngayon. Sound ON, at listen up yo!
Labis bang naiinip? E di makinig ka na sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, dahil kasama natin ang iconic rock band, Orange and Lemons!
Ang kukulit ng mga ito, oo! Pero bukod sa kulitan, marami tayong natutuhan sa behind-the-scenes at behind-the-songs ng Orange and Lemons. Naranasan niyo na bang magpasa ng resume para maging keyboardist? Nabasa niyo na ba ang 11 Minutes ni Paulo Coelho? Bakit namin ito tinatanong? Malalaman mo sa episode na ito.
Kabilang din ito sa selebrasyon ng ika-25 taon ng Orange & Lemonsâ sakto bago ang kanilang Now & Then concert sa Oct. 18, sa Metrotent. Labas na rin ang Linya-Linya x Orange & Lemons limited edition merch sa www.linyalinya.ph.
Listen up, yo!
Yo, check!
Ipinakikilala ang collaboration series ng The Linya-Linya Show at FlipTop Battle League-- ang BARA-BARA!
Dito, makakasama natin ang ilang hinahangaang Filipino battle emcees at local rap artists. Bara-Bara-- dahil anything goes ang kwentuhan tungkol sa buhay sa loob at labas ng hip hop scene. Bara-bara rin, dahil maaaring lumalim ang usap tungkol sa kanilang creative journey at creative process; hanggang sa kanilang mga pinanggagalingan at tinatanaw sa hinaharap.
At para sa unang Bara-Bara episode: Nakilala sa kanyang husay sa pag-subvert ng expectations; tinatawag ng iba ang kanyang style bilang âunpredictable,â at expert sa âcrowd control.â Mula pa sa Bicol, Lungsod ng Naga, kasama ngayon sa studio ng Linya-Linya-- si CripLi!
Maraming ibinahaging kwentong FlipTop (at marami ring ni-name drop, haha!) si CripLi. Mga karanasan niya sa loob at labas ng battle, sa pakikipagsapalaran sa Maynila, at ayun na nga-- umabot pa sa love language ni Anygma. BOOM! Malalaman niyo âyan dito, so tara, mag-ingay and listen up, yo!
Your feedback is valuable to us. Should you encounter any bugs, glitches, lack of functionality or other problems, please email us on [email protected] or join Moon.FM Telegram Group where you can talk directly to the dev team who are happy to answer any queries.