Talk Tagalog | James and Angel: Episode 5: Buying Fruits at the Market
James and Angel are at the market together. They buy fruits commonly found in the Philippines.
Tagalog Transcript:
James : Mabuti naman na nasamahan mo ako sa palengke ngayon. Salamat ha, Angel.
Angel : Walang anuman James. May gusto rin kasing ipabili ang nanay ko na mga prutas.
James : Bibili rin ako ng prutas. Mahilig kasi ako sa masustansyang pagkain.
Angel : Eto o, ang lalaki ng saging. Hinog na siya, kasi dilaw na.
James : Gusto ko naman ang mansanas na ‘to, yung mga kulay pula.
Angel : Kuha din tayo ng ponkan. Siguradong magugustuhan ito ng nanay ko. Mura pa yung presyo niya.
James : Paano kaya itong langka? Medyo mahal siya ngayon pero matagal na ako hindi nakakakain ng langka.
Angel : Sulit na siguro ‘yan sa presyo niya. Uy, bili din tayo ng pinya, pero patalop muna natin sa tindera.
James : Oo, mahirapan kasi gawin ‘yan ng tama… yung tinatanggal mo yung mata ng paikot.
Angel: Nagbilin pala nanay ko bumili ng papaya. Kuha tayo ng berde, para gamitin ng mama ko sa tinola.
James: Tamang-tama, bibili din kasi ako ng papaya. Pero yung pahinog pa lang, kasi hindi ko siya agad makakain.
Angel : Uy, ito oh, ang laki ng pakwan. Baka hindi namin maubos to.
James : Ipahati na lang natin sa dalawa, para parehong tayong meron.
Angel: Matamis kaya siya?
James: Sa palagay ko matamis siya.
Angel: Tara, patimbang na natin ito.
English Translation:
James : It’s great you were able to accompany me to the market today. Thanks a lot, Angel.
Angel : You’re welcome James. My mom asked me to to buy her some fruits for her, anyway.
James : I’ll be buying fruits too. I’m fond of eating healthy food.
Angel : Here, these bananas are big. They’re ripe already, since they’re yellow.
James : I want these apples, the red ones.
Angel : Let’s get these Ponkan oranges too. My mom will like them for sure.They’re pretty cheap too.
James : How about this jackfruits? They’re a little expensive now but I haven’t had jackfruit in a while.
Angel : I think it’s worth it’s price. Hey, let’s buy some pineapples, but let’s let the vendor lady peel it.
James : Yes, it’s quite difficult to do it right… carving out all those “eyes” in a spiral.
Angel : My mom asked me to buy some papayas. Let’s get a green one, since we’ll use them for chicken broth.
James : It just so happens I’m going to buy a papaya too. But I’m going to get one that’s just about to ripen, since I won’t get to eat it at once.
Angel : Hey, look at how huge this watermelon is. I don’t think we’d be able to eat it all up.
James : Let ask them to cut it into halves, so both of us will have some.
Angel : Do you think it’s sweet.
James: I think it’s sweet.
Angel : Come on, let’s have it weighed.
3 January 2019, 6:36 am