Kay Celia

Dean Bocobo

Audio Renditons of the Florante at Laura by Francisco Balagtas including the poem's text. Bersong Tagalog.

  • Sa Babasa Nito (To the Reader)
    1
    Salamat sa iyo, O nanansang irog,
    kung halagahan mo itong aking pagod;
    ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
    pakikinabangan ng ibig tumarok.




    2
    Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
    palibhasa'y hilaw at mura ang balat;
    nguni't kung namnamin ang sa lamang lasap,
    masasarapan din ang babasang pantas.



    3
    Di ko hinihinging pakamahalin mo,
    tawana't dustain ang abang tula ko;
    gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
    ay huwag mo lamang baguhin ang berso.



    4
    Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
    bago mo hatulang katkatin at liko,
    pasuriin muna ang luwasa't hulo,
    at makikilalang malinaw at wasto.



    5
    Ang may tandang letra alinmang talata,
    di mo mawatasa't malalim na wika,
    ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
    buong kahuluga'y mapag-uunawa.



    6
    Hanggang dito ako, O nanasang pantas,
    sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad;
    Sa gayong katamis wikang masasarap
    ay sa kababago ng tula'y umalat.

    24 March 2012, 12:56 pm
  • 22 - Ikaw na bulaklak niring dilidili
    KC-22
    Ikaw na bulaklak niring dilidili,
    Celiang sagisag mo'y ang eMe A eRe
    sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
    ang tapat mong lingkod na si eFe Be.

    20 March 2012, 9:25 pm
  • 21 - Ahon sa dalata't pampang na nagligid
    KC-21
    Ahon sa dalata't pampang na nagligid,
    tonohan ng lira yaring abang awit
    na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
    tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

    20 March 2012, 9:24 pm
  • 20 - Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai
    KC-20
    Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
    Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
    kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
    ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

    20 March 2012, 9:22 pm
  • 19 - Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
    KC-19
    Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop
    tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
    kung binabasa mo'y isa mang himutok
    ay alalahanin yaring naghahandog.

    20 March 2012, 9:21 pm
  • 18 - Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
    KC-18
    Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
    na inihahandog sa mahal mong yapak;
    tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
    nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

    20 March 2012, 9:19 pm
  • 17 - Celia talastas ko't malabis na umid
    KC-17
    Celia talastas ko't malabis na umid
    mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;
    di kinabahagya kung hindi malait,
    palaring dinggin mo ang tainga't isip.

    20 March 2012, 9:17 pm
  • 16 - Itong di matiis na pagdaralita
    KC-16
    Itong di matiis na pagdaralita
    nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
    ang siyang umakay na ako'y tumula,
    awitin ang buhay ng isang naaba.

    20 March 2012, 9:16 pm
  • 15 - Bakit baga noong kami'y maghiwalay
    KC-15
    Bakit baga noong kami'y maghiwalay
    ay di pa nakitil yaring abang buhay?
    kung gunitain ka'y aking kamatayan,
    sa puso ko Celia'y di ka mapaparam.

    20 March 2012, 9:14 pm
  • 14-Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
    KC-14
    Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
    ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
    nahan ang panahong isa niyang titig
    ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

    20 March 2012, 9:04 pm
  • 13 - Anupa nga't walang di nasisiyasat
    KC-13
    Anupa nga't walang di nasisiyasat
    ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
    sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
    sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

    20 March 2012, 9:03 pm
  • More Episodes? Get the App