• 8 minutes 19 seconds
    Sa medya ko pinunas ang aking katas

    “Hinubad ko ang isang medyas ko sa paa at ’yun ang ipinamunas ko! Nilinis ko hanggang sa wala nang bahid ng kahit ano!”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakahiyang pero nakakatawang karanasan niya sa debut ng matalik niyang kaibigan. Dahil hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili, sinubukan niyang makapagparaos sa banyo habang busy sila sa party. Medyas lang, sapat na! Ito ang scret files ni Samson.

    8 November 2026, 6:00 pm
  • 20 minutes 45 seconds
    Nakaipon ako sa pagbebenta ng pictures ko

    “Gusto ko na marinig pa rin niya yung ganda ng mundong ito kahit ako na yung makarinig ng masasakit na salita o pangit na salita. Handa akong akuin ang lahat ng hiya, ang lahat ng sakit para sa pamilya ko.”Ibinahagi ng letter sender ang kanyang kuwento tungkol sa matinding sakripisyong ginawa niya para matulungan ang kanyang inang nawalan ng kakayahang makarinig. Dahil sa kagustuhang makabili ng hearing aid para rito at sa bigat ng responsibilidad bilang anak, napilitan siyang sumubok ng isang bagay na hindi niya kailanman inisip na gagawin niya. Sa paghahanap niya ng paraan para makalikom ng pera, nakilala niya ang isang lalaking nangako ng tulong kapalit ng mga sensitibong larawan niya, ngunit nauwi ito sa panloloko at matinding takot. Isang kuwento ito ng pagmamahal sa pamilya, sakripisyo, at kung gaano kalayo ang kayang marating ng isang anak para sa mga magulang niya. Ito ang secret file ni Nancy.

    5 November 2026, 6:00 pm
  • 14 minutes 32 seconds
    Masarap kasama at masarap sa kama ang kabit ko

    “Gusto kong ako yung babaeng pipiliin niyang panindigan.”Ibinahagi ng sender, isang single mom na may dalawang anak, ang kuwento ng pagmamahal niya sa isang lalaking mahigit isang taon na niyang nakarelasyon ngunit hindi pa rin kayang bigyan ng label ang kanilang relasyon. Sa una, wala siyang planong mahulog ang loob sa lalaki, pero habang tumatagal ang kanilang pagsasama, unti-unti siyang nahulog at nasanay sa presensya nito. Kahit ginagawa na nila ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng magkasintahan, nananatili siyang bitin sa kasiguraduhan dahil tila may bahagi pa rin ng puso ng lalaki na nakakapit sa nakaraan. Ngayon, nahihirapan siyang balansehin ang pagmamahal, selos at takot na baka hindi siya ang babaeng pipiliing panindigan nito. Ito ang secret file ni Joanne.

    4 November 2026, 6:00 pm
  • 14 minutes 20 seconds
    Suki ako ng extra service sa spa

    Ito ang secret file ni Brian.

    3 November 2026, 6:00 pm
  • 12 minutes 35 seconds
    May batang sumusunod sa‘kin sa ospital

    “Pakiramdam ko parang may puwersang humihigop o humihila sa akin papunta sa restroom kung saan siya nanggaling.”Ibinahagi ng letter sender ang isang nakakatakot na karanasan habang nasa ospital kasama ang kanyang asawa. Sa gitna ng katahimikan ng hatinggabi, may nakita siyang batang lalaki na napakaputla ng mukha at kakaiba ang ngiti sa loob ng banyo. Ngunit mas nakakatakot ang sumunod na nangyari nang maramdaman niyang tila may puwersang kumokontrol at humihila sa kanya. Isang karanasang nagdulot sa kanya ng matinding takot at nag-iwan ng misteryong hindi niya madaling makalimutan. Ito ang secret file ni Belinda.

    2 November 2026, 6:00 pm
  • 15 minutes 29 seconds
    Muntik akong patayin sa sindak ng amo ko

    “Pagbalik ko, nagulat ako… wala na ang alaga ko sa crib!”.

    Ibinahagi ng sender, isang yaya ng isang baby girl, ang nakakatakot na karanasan nang sandali niyang iwan sa crib ang kanyang alaga para kunin ang mga nakasampay na damit bago umulan. Pagbalik niya, biglang nawala ang sanggol kaya agad siyang nag-panic at kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya—mula sa posibilidad na may kumuha sa bata hanggang sa mga kuwentong may kinalaman sa maligno. Sa gitna ng malakas na ulan, takot at pangamba ang kanyang naramdaman, lalo na’t iniisip niyang maaaring mawalan siya ng trabaho. Pero ang mas nakakakaba, ang pag-amin niya sa amo tungkol sa pagkawala ng baby ay may kasunod na isang hindi niya inaasahang pangyayari. Ito ang secret file ni Tessa.

    1 November 2026, 6:00 pm
  • 25 minutes 5 seconds
    Limang tao ang nagtanggal ng daliri niya sa leeg ko

    “Iba't ibang babae. Iba't ibang conversations. Tinuruan niya ako kung paano maging isang mahusay na kabit.”


    Ibinahagi ng sender ang nakakatakot na karanasan niya sa kanilang bagong kusinera, na noong una ay masipag, mabait at masayahin. Pero isang gabi, matapos ang isang handaan, bigla itong nagpakita ng kakaibang kilos at nakakatakot na pagbabago sa pagkatao. Sa harap ng kanilang mga mata, tila ibang nilalang na ang kumokontrol sa kusinera, dahilan para manginig sa takot ang buong pamilya. Isang pangyayaring mag-iiwan sa kanya ng matinding takot at maraming tanong tungkol sa tunay na nangyari sa kanilang bahay. Ito ang secret file ni Chona.

    29 October 2026, 6:00 pm
  • 24 minutes 25 seconds
    Kung susunduin mo na ako, sasama ako sa‘yo

    "Hindi ko alam kung totoo ba siya o hindi. Ang alam ko lang, natatawagan niya ako sa cellphone ko. Kung sakaling tatawag siya, sasagot ako, at kung susunduin niya ako, sasama ako agad."

    Ibinahagi ng sender ang namumuong relasyon sa kanila ng isang lalaking hindi niya alam kung tunay ba o hindi. Misteryoso ang pag-ibig, pero paano kung ang lalaking iniibig mo mismo ang siyang nababalot ng misteryo? Ito ang secret file ni Maripaz.

    28 October 2026, 6:00 pm
  • 21 minutes 32 seconds
    Nakita ko ang isang nilalang na hindi ko inakalang totoo

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi."


    Ibinahagi ng letter sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file ni Christian.

    27 October 2026, 6:00 pm
  • 22 minutes 14 seconds
    Muntik na kaming hindi makalabas nang buhay

    "Nagpaalam kami kay Manong kung p'wede ba pumasok sa dati naming school. Tinignan niya kami mula ulo hanggang paa at isa lang ang sagot niya sa akin: "Sige, sana makalabas kayo nang buhay." Kinilabutan ako no'n, DJ Raqi."


    Ibinahagi ng sender na makalipas ang 20 years, nagmukhang haunted house ang hitsura ng dati niyang eskwelahan. Pinasok nila ito at dahil sa isang maling desisyon, muntik na silang 'di makalabas nang buhay. Ito ang secret file Christian.

    26 October 2026, 6:00 pm
  • 12 minutes 13 seconds
    Handa akong maging kabit ng isang hot mommy

    "May anak na pala 'yung crush ko, pero nalaman ko rin na 'di sila okay ng boyfriend niyang nakabuntis sa kanya. Nagloko raw kasi 'yung lalaki. Ano naman kung magloko rin siya, 'di ba?"


    Ibinahagi ng sender, isang water delivery boy, na 'di niya mapigilan ang paghanga niya sa customer niya. May anak man ito, nais pa rin niyang maging bahagi ng buhay nito. Ito ang secret file ni Jamie.

    25 October 2026, 6:00 pm
  • More Episodes? Get the App