- 2 hours 11 minutes408: Bara-Bara - Mula't Sapul w/ Marshall Bonifacio
Sa episode na ito ng Bara-Bara, nakasama natin si Marshall Bonifacio— isa sa mga pinakarespetadong emcees ng liga, kilala sa teknikal niyang sulat, strategic angles, at mga labang madalas mapasama sa usaping classic o battle of the night.Napag-usapan namin ang kanyang buhay at paglalakbay— mula sa paglaki sa Mindanao, pagtatrabaho sa Cebu, hanggang sa paninirahan ngayon sa Luzon— at kung paano hinubog ng iba’t ibang lugar, kultura, at karanasan ang kanyang pananaw bilang artist at bilang tao.Nagkuwentuhan din kami tungkol sa pagpasok niya sa hip hop at battle rap, mga impluwensya mula sa local at international scenes, at ang madalas na usapin tungkol sa pagiging “foreign influenced.” Tinalakay rin namin ang pagkakaiba ng international at local battle rap, kung saan tayo lamang, at kung ano ang natatanging ambag ng FlipTop sa sining, kultura, at lipunang Pilipino.Napunta rin ang usapan sa ilan sa kanyang mga pinaka-memorable na laban, sa creative process at pagsusulat, hanggang sa experience at thought process nya bilang madalas na napipiling judge.Umabot din kami sa usaping originality, confidence, paninindigan, at kung paano manatiling totoo sa sarili sa isang eksenang laging nagbabago.Classic sh*t ito. Solid ka, Marshall Bonifacio.Listen up, yo.
29 May 2026, 12:34 pm - 1 hour 29 minutes407: It's SEOUL good! w/ Reich Carlos
Touchdown, Seoul! Nag-ikot kami ni Reich sa Seoul para mag-food trip, maghanap ng cocktail bars (nakapunta kami sa #1 bar in South Korea!), record stores, hobby shops, parks, museums, at mas makilala ang kultura ng Korea. At oo, isa sa pinakamasarap na ramen na natikman namin… sa South Korea pa talaga! Hindi man kami super fans ng K-pop, K-drama, o K-culture, K na K naman ang biyahe namin — mula samgyup, cafés, at cocktails hanggang sa Piattos discoveries, “one dish per person,” at kung may Anti-Buraot Act nga ba talaga sa Korea. Samahan n’yo kami sa kwentuhan tungkol sa isang trip na mas masarap, mas insightful, at mas nakakatawa kaysa sa inaasahan namin. (Featuring: legit samgyup verdict, Korean café culture, Mary Grace Piattos, at iba pang kalokohan)
22 May 2026, 11:16 am - 1 hour 2 minutes406: Kapag nanalo ako sa lotto.. - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio
Sa episode na 'to ng Livin’ The Filipino Life, nagkuwentuhan sina Ali at Victor tungkol sa isang tanong na minsan, napapaisip tayong lahat: “Ano kaya ang gagawin ko kapag nanalo ako sa lotto?”
Mula sa mga pangarap, “responsableng” plano, pati na ang mga luho, napunta rin ang usapan sa mas malalim na realities ng adulthood, trabaho, pressure, at kung bakit minsan, parang gusto na lang talaga nating tumama sa lotto para makahinga.
Pakinggan nyo na, kasi baka pag nanalo kami sa lotto, hindi niyo na kami mahanap at mapakinggan. Joke lang, ahahaha.Listen up, yo.
15 May 2026, 11:00 am - 59 minutes 57 seconds405: Online Reality Games w/ Pinoy Survivor League
Sa episode na 'to ng The Linya-Linya Show, nakasama natin sina Jaymar Castro at Amber Garma ng Pinoy Survivor League hosting team, kasama si Vin Page, dating winner ng PSL, para ipakilala sa atin ang mundo ng Online Reality Games—isang komunidad at subculture na marami pala tayong hindi alam!
Aminado ako: Pumasok ako sa usapang 'to nang halos walang alam tungkol sa PSL at ORGs. Pero habang tumatagal ang kwentuhan, mas narealize kong hindi lang pala ito laro o online competition. Sa maraming paraan, nagiging microcosm din ito ng Pilipinas—may pulitika, alliances, strategy, drama, social dynamics, at reflections ng ugali nating mga Pinoy.Napag-usapan din namin kung bakit sila nahilig dito, ano ang fulfillment na nakukuha nila, paano nabuo ang community, at kung paano naging space ang PSL hindi lang para sa entertainment, kundi para rin sa friendships, advocacies, at minsan, social commentary.Isang unexpectedly insightful at fascinating na kwentuhan tungkol sa internet culture, human behavior, community-building, at pagiging Pilipino sa digital age.Listen up, yo!
8 May 2026, 12:00 pm - 46 minutes 27 seconds404: Turo-Turo: Sa Lahat ng may Dinadalang Bigat
Muling nagbabalik ang aking award-winning friends from the education sector, mga hinahangaang leaders ng ating panahon— sina Teach Jaton Zulueta at Teach Sabs Ongkiko. Ituring niyo ang Turo-Turo episode na ito na isang buntong-hininga sa patong-patong na pagsubok na nangyayari sa paligid at krisis sa buong mundo. Ituring niyo rin itong hinga at pahinga. Katulad ninyo, nararamdaman din namin ang bigat. Sa simpleng paraan ng pagkikita at pag-uusap ng magkakaibigan, makatulong sana sa pagpapagaan ng ating mga dinadala. Listen up, yo.
4 May 2026, 10:00 am - 34 minutes 5 seconds403: Daddy Diaries - Life at 75 w/ Engr. Rene Sangalang
Panibagong episode ng Daddy Diaries, kasama ang idol ko, si Daddy Rene Sangalang. Noong nakaraang October 2025, naabot nya ang isang milestone: 75 years old na sya! Sa loob ng pito’t kalahating dekada, nakakalap sya ng karanasan at kaalaman. Isang umaga, niyaya ko syang magrecord ng podcast— at habang nagkakape, ibinahagi nya ang learnings nya in life. Masayang kausap si Daddy, at ang dami kong natututuhan. Sana, kayo rin! At sana, magkaroon din ang bawat isa na makapag-usap sa magulang, at sa mga mentor sa buhay.Listen up, yo!
24 April 2026, 10:00 am - 55 minutes 38 seconds402: Bakit hobbies kitang mahal? - Livin’ The Filipino Life w/ Victor Anastacio
Sa bagong episode ng Livin’ The Filipino Life, kasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang halaga ng hobbies sa gitna ng magulong mundo.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa simpleng saya na dulot ng pagkakaroon ng pinagkakaabalahan—mula sa kung bakit mahalaga ang hobbies, hanggang sa pagiging busy sa home improvement, at kung paano ito nakakatulong sa mental health at overall na stability.
Sa dami ng responsibilidad at stress sa araw-araw, minsan kailangan lang natin ng space para gumawa ng bagay na para sa sarili—walang pressure, walang expectations, basta masaya.Walang labis, walang kulang.
May hobbies? May happiness ‘yan!
Listen up, yo!
17 April 2026, 9:17 am - 1 hour 48 minutes401: Mabuti Pa, Pag-usapan Natin ang Good Governance w/ Rappler
Sa episode na ito, tampok ang live event ng Linya-Linya at Rappler noong Jan. 24, 2026, na ginanap sa Linya-Linya HQ. Pinamagatang “Mabuti Pa: Pag-usapan Natin ang Good Governance" ang roundtable discussion na ito, kung saan pinag-usapan kung paano nagagamit ng content creators at comedians ang humor, storytelling, at social media para maiparating ang mga usaping panlipunan, at kung paano nila natutulungan ang mas maraming kabataan na makialam, magtanong, at makibahagi sa diskurso tungkol sa good governance.
Moderated by Rappler’s Bea Cupin, umikot ang kwentuhan sa papel ng creators sa paglalapit ng current affairs at political issues sa bagong henerasyon—sa paraang relatable, accessible, at may impact.
Bahagi ito ng #MabutiPa campaign ng Linya-Linya at Rappler— isang initiative na hinihikayat ang kabataang magsimula ng makabuluhang usapan, makialam sa komunidad, at kumilos tungo sa mas mabuting pamamahala, papalapit sa 2028 elections.
Isang masayang kwentuhan na may laman— kung paano nagtatagpo ang content, comedy, at citizen engagement.
Mabuti pa, makinig ka, at makinig tayo sa isa't isa. Listen up, yo.
10 April 2026, 12:00 pm - 2 hours 22 minutes400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs
Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo.
Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi alam ng karamihan.
Napag-usapan namin ang kanyang background — mula sa pamilyang accomplished sa academe at corporate world, hanggang sa pagiging top baseball prospect noong kabataan niya, pagdaan sa UP, at pagpasok sa iba’t ibang mundo ng Katipunan — bilyaran, underground scenes, at hip hop community na nagpamulat at humubog sa kanya.
Ikinuwento rin niya ang kanyang journey sa hip hop — bilang DJ, music producer, at kahit bilang rap artist (whut?!). Mula sa early underground movements, collaborations, beat making, hanggang sa pagiging bahagi ng UPRISING at FlipTop.
Napag-usapan din ang pagiging up-close witness niya sa pinakamalalaking battles sa kasaysayan ng FlipTop — ano ang pakiramdam na hawak ang kamera habang nangyayari ang epic battles, at paano niya nakikita ang ambag ng FlipTop sa hip hop, sa kultura, at sa lipunan.
Isang jaw-dropping na kwento ng isang tahimik na haligi ng eksena — mula Katipunan, hanggang entablado ng hip hop, hanggang sa likod ng kamera ng kasaysayan.
Solid na kwentuhan. May UMPH.
Listen up, yo.
3 April 2026, 3:34 pm - 56 minutes 25 seconds399: Trentito, Trentita, Trentahin - Livin' The Filipino Life w/ Victor Anastacio
Sa episode na ito ng Livin’ The Filipino Life, nakasama natin si Victor Anastacio para pag-usapan ang buhay bilang trentahin—ang saya, ang sakit, at ang sabay-sabay na pressure at clarity na dala ng era na ’to.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa expectations sa 30s, career, relasyon, pagod, pagbangon, at yung realization na habang tumatanda, mas sumasakit ang likod habang mas nagiging totoo ang buhay—hindi laging maayos, pero (hopefully) mas may direksyon. May halong nostalgia, self-awareness, at konting existential crisis, pero may kasamang tawa at pag-asa.
Isang kwentuhan para sa mga trentito, trentita, at sa lahat ng trentahin—na patuloy pa ring nagfi-figure out ng buhay, one year at a time.
Listen up, yo.
27 March 2026, 11:25 am - 1 hour 18 minutes398: Women, stand up!: Kwentuhang comedy at kababaihan w/ Lady Boses
On this special Women’s Month episode, nakasama natin ang proud members ng Lady Boses podcast — sina Jeannie Laccay, Diana Aaron-Ong, at Khaye Asco — isang all-female collective ng stand-up comedians na patuloy na nagbibigay ng #Pekpektives sa buhay, trabaho, at comedy scene.
Napag-usapan namin ang origin story ng Lady Boses, ang kani-kanilang personal journeys sa stand-up comedy, at kung paano nila nina-navigate ang isang industriyang matagal nang male-dominated. Pinag-usapan din namin ang creative process nila—kung bakit mahalagang magsulat muna ng jokes para sa sarili bago sa audience, para lumabas ang authentic na boses at maiwasan ang magkakatulad na materyal.
Napunta rin ang usapan sa women representation sa comedy, validation mula sa kapwa babae, dynamics ng female audiences, at kung paano nagiging mas komportable at mas expressive ang tawa kapag kapwa babae ang nasa entablado.
Isang masaya, makulit, pero makabuluhang kwentuhan kasama ang mga trentahin at kwarentahing tita.
Listen up, yo.
23 March 2026, 10:00 am - More Episodes? Get the App