Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

  • 41 minutes 32 seconds
    EP 666: "Tira-Tira" with Papa Dudut

    Kung kaya mong mahalin nang buo ang taong hindi para sa'yo, mas kaya mong magmahal ulit lalo na sa taong kaya kang mahalin pabalik at walang kahati. Pakinggan ang kwento ni Fiang sa Barangay Love Stories.

    24 April 2026, 12:00 am
  • 45 minutes 42 seconds
    EP 665: "Phone Pal" with Papa Dudut

    Ang pagmamahalan ay hindi nakasalalay sa edad kun'di sa tiwala, katotohanan, respeto at pag-unawa. Pakinggan ang kwento ni Missy sa Barangay Love Stories.

    23 April 2026, 12:00 am
  • 49 minutes 57 seconds
    EP 664: "Makasalanang Pag-Ibig" with Papa Dudut

    Walang makapagsasabi kung kailan magbubunga ang sakripisyo ng isang tao kaya pahalagahan ang bawat kayod ng isang pursigido. Pakinggan ang kwento ni Sally sa Barangay Love Stories.

    22 April 2026, 12:00 am
  • 45 minutes 22 seconds
    EP 663: "Putahe" with Papa Dudut

    Ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang kinalimutan mo na ang nangyari. Ibig sabihin lang nito ay pinipili mong huwag nang saktan ang iyong sarili ng mga alaala. Pakinggan ang kwento ni Argie sa Barangay Love Stories.

    21 April 2026, 12:00 am
  • 44 minutes 10 seconds
    EP 662: "Sampung Segundo" with Papa Dudut

    Mahirap ang buhay at kapag pinanganak kang mahirap, mas humihirap pa ito. Alam ni Greta at ng mga kapatid niya na kailangang magsikap para dumating din ang ginhawa sa kanila. Pero kung kailan nagsisimula nang umayos ang kanilang pamumuhay, saka naman may biglang babawiin pala. Pakinggan ang kwento ni Greta sa Barangay Love Stories.

    20 April 2026, 9:09 am
  • 44 minutes 11 seconds
    EP 661: "Kaya Pala Single" with Papa Dudut

    Ang puso’y natututo sa bawat pagkakamali, kaya kung magbibigay ng pagkakataon, sana ay sa taong ikaw rin ang pinipili. Pakinggan ang kwento ni Winet sa Barangay Love Stories.

    17 April 2026, 12:00 am
  • 44 minutes 24 seconds
    EP 660: "Payong" with Papa Dudut

    Sa bawat paglisan ng isang ina ay may isang anak na naghihintay ng tunay na pagmamahal at pag-aaruga. Pakinggan ang kwento ni Ryan sa Barangay Love Stories.

    16 April 2026, 12:00 am
  • 53 minutes 11 seconds
    EP 659: "Unan" with Papa Dudut

    Sa likod ng mga yakap na nagbibigay ng ginhawa, may mga luha na hindi nakikita; nagkukubli ng sakit at pangungulila. Pakinggan ang kwento ni Ellen sa Barangay Love Stories.

    15 April 2026, 12:00 am
  • 39 minutes 48 seconds
    EP 658: "Couple Goals" with Papa Dudut

    Hindi mabubuo ang pagkatao mo kung susunod ka lang sa idinidikta sa iyo. Magdesisyon para sa sarili upang sa huli ay hindi magsisi. Pakinggan ang kwento ni Kaye sa Barangay Love Stories.

    14 April 2026, 6:14 am
  • 36 minutes 47 seconds
    EP 657: "Peksman" with Papa Dudut

    Masarap magkaroon ng kaibigan na kasangga mo sa lahat ng bagay. Tulad na lamang ni Aleng, ang #1 tagapagtanggol ng malambot na si Dencio. At sa sobrang pagmamahal ni Dencio sa kanyang kaibigan, ayaw niya itong nakikitang umiiyak at nasasaktan. Kaya naman walang pag-aalinlangan niyang inalok ang sarili niya kay Aleng upang maging kabiyak nito sa habang buhay. Pakinggan ang kwento ni Dencio sa Barangay Love Stories.

    13 April 2026, 8:04 am
  • 41 minutes 41 seconds
    EP 656: "Bulaklak ng Kalabasa" with Papa Dudut

    Subukan ding buksan ang isipan dahil baka panahon na upang lumaya sa mga lumang nakagisnan. Pakinggan ang kwento ni Donna sa Barangay Love Stories.

    10 April 2026, 12:00 am
  • More Episodes? Get the App