Barangay Love Stories

Barangay LS 97.1 Manila | GMA Network Inc.

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

  • 1 hour 10 minutes
    Episode 376: "Pahina ng Buhay"

    Maraming aral ang pwedeng maituro ng matatanda. Nasa tao na lang kung makikinig siya sa payong binigay sa kanya o ililihis ang gawa. Caregiver ni lolo Fonso sina Delia at Allan at sa mga panahon na silang tatlo ay magkakasama, maraming naibahaging karanasan sa buhay si lolo Fonso dahil araw-araw nilang binabasa ang diary ng yumaong asawa ni lolo. Pakinggan ang kwento ni Delia at Allan sa Barangay Love Stories. 

    29 April 2024, 9:00 am
  • 59 minutes 43 seconds
    Episode 375: "Pagmamahal at Responsibilidad"

    May mga bagay na kaya mong palampasin kapag gumawa ng mali ang kapatid mo. Pero kapag sa iba na niya ito ginawa, kahit papaano may responsibilidad kang pagsabihan ito. Mahal na mahal ni Wendel ang nag-iisa niyang kapatid, bilang kuya kaya niyang magsakripisyo para kay Darwin. Pero hinding-hindi kukunsintihin ni Wendel ang panlolokong ginagawa ni Darwin sa sarili nitong girlfriend. Pakinggan ang kwento ni Wendel sa Barangay Love Stories. 

    22 April 2024, 12:09 pm
  • 1 hour 2 minutes
    Episode 374: "Intensyon"

    Katulad ng marami, sinubukan ni Matt na makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asang kikita siya nang mas malaki rito. Pero kakarating pa lang niya sa siyudad at wala pa nga siyang nahahanap na trabaho ay nadisgrasya agad si Matt! Pakinggan ang kwento ni Matt sa Barangay Love Stories. 

    15 April 2024, 2:00 am
  • 1 hour 1 minute
    Episode 373: "Isang Bakod"

    Ilang buwan nang hindi nakakabayad sa upa si Arthur kaya halos araw-arawin ni Ms. Connie ang paniningil. Hindi naman pasaway na tenant si Arthur, mahirap lang talaga ang buhay dahil pandemic. Kaya nang may dumating na bagong uupa, malaking ginhawa ang naramdaman ni Ms. Connie. Ang hindi alam ni Arthur, isang malaking ginhawa rin iyun para sa kanya. Pakinggan ang kwento ni Arthur sa Barangay Love Stories.

    8 April 2024, 12:33 pm
  • 46 minutes 14 seconds
    Episode 372: "User-Friendly"

    Masarap sa pakiramdam ang mga kaibigang katulad ni Art, maaasahan at lagi kang dadamayan sa anumang iyong pinagdaraanan. Pero si Raymond, walang balak suklian ang katapatan ng kanyang kaibigan. Pakinggan ang kwento ni Art sa Barangay Love Stories. 

    1 April 2024, 1:35 pm
  • 3 hours 35 minutes
    BLS Special: "The Estrella Story" (Full)

    Dalawang sugatang puso, tuturuan ang isa't-isa na umibig muli. Pero sapat ba ang kanilang mga oras o kailangan nang magmadali? Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. Episode 368: "Mahal Kong Buwan" Episode 369: "Aking Araw" Episode 370: "Pinagtagpong Bituin" Episode 371: "Kalangitan"

    29 March 2024, 4:00 am
  • 3 hours 52 minutes
    BLS Special: "The Blessy Story" (Full)

    Tatlong pagkakataon sa tatlong iba-ibang panahon, coincidence nga lang ba o may ipinahihiwatig ang tadhana? Sa isang bus terminal unang nakilala ni Blessy si Archie, isang pagkikita na akala niya ay hindi na masusundan pa. Pero mas lalong hindi niya inasahan na mahuhulog ang damdamin niya sa binata. Pakinggan ang kwento ni Blessy sa Barangay Love Stories. Episode 360: "Invisible String" Episode 361: "Chance Encounter" Episode 362: "Falling Apart" Episode 363: "Together Again"

    28 March 2024, 4:00 am
  • 56 minutes 2 seconds
    Episode 371: "Kalangitan"

    Bilang apo ni Sol at Luna, malaki ang pagmamahal ni Estrella sa kanyang lolo at lola dahil sila rin ang tumayong magulang niya nang nawalan siya ng magulang. Kaya sinikap niya talagang maging isang nurse upang pagdating ng panahon, siya naman ang mag-alaga sa kanyang labs na labs na lolo Sol at lola Luna. At sana may panahon pa para doon. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories. 

    25 March 2024, 1:35 pm
  • 54 minutes 26 seconds
    Episode 370: "Pinagtagpong Bituin"

    Sa wakas ay nagkita rin si Sol at Luna. Naging magkaibigan silang dalawa hanggang sa nahulog ang dalaga sa binata. Pero si Sol, hindi pa raw nakakamove-on sa kanyang first love. Kaya ang BFF ni Luna, to the rescue! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

    18 March 2024, 11:26 am
  • 53 minutes 26 seconds
    Episode 369: "Aking Araw"

    Bihira lang makahanap ng kaibigang totoo na sasamahan ka sa kahit anong hamon ng buhay. Kaya nang magkagusto si Luna at Patricia sa iisang lalaki, hindi nagdalawang-isip si Luna na magpaubaya. Dahil para kay Luna, mas mahalaga ang pagkakaibigan nila ni Patricia kaysa sa nararamdaman niya para sa binata. Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

    11 March 2024, 11:12 am
  • 56 minutes 29 seconds
    Episode 368: "Mahal Kong Buwan"

    Ang mayayaman ay ginawa raw para sa kapwa nila mayayaman. Kaya ang mga hikahos na tulad ni Sol ay hinding-hindi makakapiling ang mga kagaya ni Belen - ang babaeng matagal na niyang gusto. Pero kung kailan desidido na si Sol na kalimutan ang dalaga, ay saka niya naman malalaman na mukhang may pag-asa pa pala siya! Pakinggan ang kwento ni Estrella sa Barangay Love Stories.

    4 March 2024, 12:07 pm
  • More Episodes? Get the App
© MoonFM 2024. All rights reserved.